* WHY?*
" Pwede ba! Stop following me!" sigaw ni DD.
" Eh gusto ko lang naman ipaalala sayo na ako si Emily... Si Emy-ems... Daniel..." sabi nito na parang naiiyak na...
****
"It's been a week, bakit ganun parang iwas ng iwas si DD. Tsaka bakit I feel like this..." wika ni Em sa sarili.
" Psst! Ano iniisip mo dyan?!" biglang sumulpot ito sa likuran niya.
" Ay! Fretz, ang hilig mong manggulat ah! Nakakarami ka na!" sabi niya na gulat na gulat pa rin...
" Ikaw naman kasi eh...This past few days masyado ka malalim mag-isip. Mukhang hindi naman tungkol sa school eh.. Kasi okay naman lahat... Hmmm... May problema ka ba?" worried nitong tanong.
" Wala..." tipid niyang sagot.
" Baka naman kasi dahil sa mga kasama natin... Mga busy sa school project. Diba nga kasi dapat gumawa ng Iconic Structure...from recycled materials. Ang hirap kayang gumawa nun. Sina Ann, Bret, Sam at DD. Tapos tayo nina Emily, Ian, ako at ikaw. Teka asan nga pala si Emily. Diba siya dapat ang mag provide ng magazines!" biglang sabi niya...
"Oo nga noh... Biglang nawala..." wala sa sariling sinabi ni MM.
" Arnold! Pakihanap nga si Emily. Kailangan na natin yung magazines" utos ni Fretz.
****
" Freya, MM, susunod na si Emily. Kasama si Daniel ng 1B1..." sabi ni Arnold.
" Kasama si DD?" curious na tanong ni Fretz.
" Oo, dun sa may mini garden..." sabi lang nito at umalis. " Sige, gawin ko na task ko eh..."
" Sige..." sabi lang ni Fretz.
" Napapansin ko nga parang matagal na magkakilala ang dalawang yon. Palagi ngang magkasama." sabi Fretz.
Kumabog ang dibdib niya. " Bakit?" tanong niya sa sarili. " What is this?" hinawakan niya ang chest niya para maramdaman ang pagkabog ng dibdib.
" Taawagin ko na lang si Emily, ang tagal niya eh..." sabi ni MM at umalis.
****
" Sorry too..." mahinang sabi ni DD.
Nagulat siya ng may dumampi si labi niya.
" Bakit... Ano nangyayari... Why did she kissed him? Sila ba? Kailan pa?" sabi ni MM sa sarili na nanggigilid ang luha. " Bakit ganito? Bakit ako umiiyak? Bakit? Bakit parang ang sakit ng nararamdaman ko..."
Lumuluha siya at hindi niya alam kung bakit... Pinahiran niya ito... At yumuko... Naglakad pa siya ng kaunti at nagsalita ng mahina.
" Ah, Emily... yung... mga... magazines kailangan na..... Tsaka, ka...kailangan ka na rin dun... Sige una na ako...."
Nagulat si DD ng marinig ang boses ni MM. May isa pa siyang boses na narinig.
" Sorry if I disturb you DD and Emily, pero Dee, kailangan ka na don.. It's your turn for your task. I think kailangan ka na rin doon Emily." sabi ni Ann. "Mukhang kailangan ako ni MM, sige una sa ako..." dagdag niya...
"'Its gone... She's g one... Now that Ann saw us kissed, I have no chance at all..." nawalan na ng pag-asa si DD sa nangyari... " Mukhang kailangan ako ni MM, sige una na ako..." naisip niyang biglang ang sabi ni Ann kanina lang... " What happened to Em.."
"I need to go, see you later..." sabi ni Emily at umalis... Hindi man nakita ni DD, pero malaking ngiti sa labi ang rumehistro sa mukha ni Emily. " I know that you like Ann, that's why I kissed you, para hindi rin umasa if ever may gusto rin siya sa'yo. I like you Daniel..." sabi nito sa sarili.
****
" Em, is there a problem?" worried na tanong ni Ann sa kanya ng maabutang nakaupo sa isa sa mga bench.
" Yes, I'm fine..." she said pero halata ang pagkasad ng boses nito.
" You cried... Why?" tanong nitong muli.. Nag-aalala ito para sa kaibigan. Bakit kaya ito umiyak...
" Napuwing lang.. Ano ka ba?" at sinubukan pa nitong tumawa.
" Ems, I'm your friend. I know you already kahit maikling panahon pa lang tayo naging magkaibigan. Maybe I can help..." she said. MM looked at her at saw her worried face. she doesn't want her friends to be worried just because she cried and she is not telling the reason.
" Ewan ko ba, kanina bigla na lang ako naiyak nung nakita ko sila. Kanina biglang kumabog yung dibdib ko nung marinig ko na magkasama silang dalawa. Tapos nung nakita ko silang dalawa parang ang sakit... Ano ba 'to?! Ba't ba ako umiiyak?!" pinahiran niya ang luha niya at tsaka huminga ng malalim.
" Ems..." wala ng masabi si Ann. Parang alam niya ang ibig sabihin ni MM. In-love siguro ito kay DD pero hindi pa inaamin sa sarili. Dahil ang alam niya ay pag-aaral muna ang focus nito. Kaya siguro hindi nito alam ang feeling ng ma-inlove.
Hinagod ni Ann ang likod ni MM. Mga ilang minuto rin tahimik ang palagid hanggang sa huminga uli ng malalim si MM.
" Let's go!" tumayo ito at ngumiti pa. " Kalimutan na natin yon.. Wala lang siguro yon..."
" Ems..." worried siya dito. Mas masakit kung mapagtanto nito na mahal niya si DD. Hindi man niya alam ang status ni DD at Emily, mukhang matagal na itong magkakilala at may mga itinatago ito.
****
" Em, sure ka ba na okay ka?" tanong ni Ann bago pumasok sa classroom nito.
"Oo naman... Bakit hindi ako magiging ok?" natatawang sabi nito...
" O siya, sige... Gagawin pa namin ang project namin." pagpaalam nito kay MM.
Wala silang klase, buong araw lang silang gagawa ng class project.
Pagpasok ni MM sa klase rumehistro ang mukha ni Emily na napakalaki ang ngiti. Nagtataka siya, bakit ganun na lang ito makangiti. " Siguro dahil sa kanina..." sabi lang ng isip niya.
Bumuntong hininga siya baog umupo sa kanyang upuan at ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
****
Pagpasok ni Ann sa classroom, nakita niya si DD, pinuntahan niya ito. " Dee, can we talk?"
Biglang nabuhayan si DD ng loob. " Sure."
Lumabas sila. Unang nagsalita si Ann.
" Who is she in your life?" curious niyang tanong.
" She is my childhood friend but she left me to study in U.K. when we were ten... She suddenly came back now..." nakayukong sabi ni DD.
" So you have a relationship now?" nakataas na ang isang kilay ni Ann.
" No." tipid nitong sagot.
" Then what was the kiss about?" medyo galit na nitong tanong. Worried siya sa kaibigan.
" Are you jealous or something?" tanong ni DD na parang natatawa pa.
" Don't laugh! Because its not funny. I'm asking you a question. Answer it." medyo naging malumanay ang boses nito.
" I don't know." kibit balikat nitong sagot. " But this what I'm sure of, its nothing. So, don't be jealous 'kay?" dagdag pa nito.
" Who is saying I'm jealous?!" naiirita na siya. Bakit ba nito sinasabing nagseselos siya. HIndi naman niya ito gusto. Oo gusto niya, pero hanggang kaibigan lang.
" Well, you sounded like your jealous. I like you more than her Ann. Since she left I forget her already." sabi nito na nakatingin lang sa lupa.
Parang nagkandabasag ang isang daang salamin sa narinig ni Ann. " He likes me? No! I don't like him! At pag napagtanto na ni MM ang nararamdaman niya, kawawa naman siya..." wika niya sa sarili niya na nanginginig.
" I like you too, Dee." biglang tumingin sa kanya ito pero nakatingin si Ann sa lupa. " but, only as a friend. Nothing more, nothing less. I like somebody else." dagdag niya.
Parang bumagsak ang puso niya sa lupa.
Umalis si Ann at pumasok sa classroom.
****
Biglang lumabas si Emily at nakitang si DD na nakatayong mag-isa sadulong part ng classrooms.
Sa mga benches kumbaga. Nilapitan niya ito.
" Daniel, is there something wrong?" tanong nito.
I like Ann's character here :) Next chapter pls :)
ReplyDelete