Saturday, January 29, 2011

Are We Just Friends? ( Chapter 11)

* MALL BONDING, THE GIRL OF HIS PAST AND HER FEELINGS *

" Weeee!"
"Hahahahaha"
"Dahan-dahan Em!"
"Uy, wait!"
" Faster!"
"Ahhhhh! Help! Nahahabol na ako!"
" Dee! watch out!"

"Emms!" sigaw ni DD. " Deeee, watch out!!!" babala ni MM. Pero hindi makagalaw si DD naka pin na siya sa kinatatayuan. BLAG!!!

Parehas silang napahiga. Nasa ilalim si DD at siya sa ibabaw nito.

" Are you okay guys?" tanong ni Bret. " Ems, Dee, okay lang kayo?" tanong ni Ann na itinatayo si MM. " I'm fine.... Dee, are you okay?!" bigla nitong tanong. Itinayo nito si DD.

" Yes. Kaya lang ang bigat mo pala!" pabirong sabi nito. " Ang yabang mo!" galit na sabi ni MM. PAK!!!

" Ouuuch! THAT REALLY HURTS!" biglang hinabol ni DD si MM sa skating rink. Pero MM managed to skate faster than him.

"Hahahaha! Ang bagal mo! Payatot!" dinidilaan pa nito si DD. Natatawa lang ang mga kaibigan sa inaasal ng dalawa. " MM, parang bata talaga siya diba?" Tanong bigla ni Ian. hindi niya nakita kung sino ang katabi.

" Oo nga. Nakakatawa silang dalawa pag ganyan." biglang sagot ng babae sa gilid nito.

" Ann, ikaw pala... Kala ko si Sam ang katabi ko kanina. Nag iskating na pala ulit. Hehe" napakamot pa ito sa ulo.

" Ano?! Kala mo ako si Sam?! Hindi ako lalaki noh!" hinabol nito si Ian. Si Ian naman tawa ng tawa. Natatawa ito sa reaksyon ni Ann.

Napansin ni DD na busy na ang lahat. Si Fretz at Bret magkasamang nag-i-skate. Si Sam mag-isang nag-i-skate. Si Ann hinahabol si Ian. Siya hinahabol niya si MM. Napatigil siya bigla. Imbis na mag-iskate pa diretso, sa kaliwa siya nag-iskate at sinundan si Ann.

Ng mahabol ito kinausap niya ito. " Why are you running after Ian?" curious nitong tanong.

"He thought I'm a guy!" mas bumilis si Ann para mas mahabol si Ian. Bago tuluyang makalayo, " Bye! goodluck sa paghabol mo kay MM!" pahabol nito.

Ng tignan ang paligid, hindi niya makita si MM. Napakamot siya sa ulo. " Where is she?" tanong niya sa sarili.

" Bret, Fretz, have you seen Emy-Ems?" tanong nito sa mga ito.

"Parang nakita kong lumabas eh..." Sabi ni Fretz. " Tsaka parang may kinakakausap." dugtong pa nito.

****
" Di mo sinabi na dito rin ang punta mo today?!" tanong ni MM sa babaeng kausap.

"Emy-Ems-" napatigil si DD. "Sorry may kausap ka pala. Sige-"

"Emy-Ems????"

" Teka Dee, pakilala ko sa'yo." pagpigil ni MM sa kanya. " Si Emily Reyes nga pala. Yung girl kanina sa school."

" Emily Reyes!"

" Emily, si DD." pagpapakilala ni MM.

" Nice to meet you DD." At bumalandra ang mga ngiti nito sa labi.

" You know you look like 1 of my friends before... I just can't figure it out..."

" Emily! Let's go!" tawag ng isang babae.

" Oh, its my mom. I need to go! Bye! See you tomorrow!" pagpapaalam nitong muli.

****
"Psst! Dee. Oy!" nag-iisnap si MM ng fingers sa mukha ni DD.

"Lashy boy of Dreamland! Go back to earth now!!!" naiinis na si MM.

" Oh, sorry." tanging nasabi ni DD sa kanya.

" Kanina ka pa tulala..."

****
" Bye!" pagpapaalam ni MM sa mga kaibigan. Sumakay na kasi ang mga ito sa sari-sariling sasakyan.

Sa bahay...

" Iha, kailangan na nating magprepare for your 18th birthday!" masayang sabi ng Tita Marie niya.

" Eh tita, 5 months pa po bago ang birthday ko." reklamo niya. " Mas mauuna pa nga ang birthday ni Dee eh..." dagdag niya.

" nakaplano na yung birthday niyan. Dapat yung iyo naman." pagpipilit ng Tita niya.

"Tita next month na lang natin pag-usapan ang birthday ko. Malayo pa naman eh..."pangungumbinsi nito.

" Haizt. O siya sige. Parehas talaga kayo ni Daniel. Ayaw pag-usapan agad ang birthday..." umalis ang Tita niya dahil may tumatawag sa telepono baka about business.

Mas nagiging busy ngayon ang mga magulang ni DD sa kadahilanan na sila muna ang mag mamanage ng mga ari-arian ng mga Monteverde dahil hindi pa nga raw kaya ni MM patakbuhin ang mga ito.

In DD's room...

" Emily, why did you come back? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na masaya na ulit ako?" wika niya sa sarili. " Emily..."

" Umalis ka tapos bigla ka na lang babalik. Ang daya mo talaga!" di niya napigilang masabi.

Knock Knock...

" Dee, are you okay?" sabi ng boses na nanggagaling sa labas ng pinto.

" Ems, I'm fine." he said back.

" Okay, bukas agahan mo ang gising ah! Baka malate na naman tayo..." sabi nito.

" Okay." tumayo ito at binuksan ang pinto.

" Sweet dreams! Goodnight!" sabi ni MM ng buksan ni DD ang pinto.

" Goodnight din Emy-Ems." at bigla siya nitong niyakap.

Nagulat siya pero she hugged him back. " Ang drama!" biglang sabi ni MM.

" Hehe... Sige goodnight na." paalam nito at sinara ang pinto.

****
" Why did he hug me?" tanong ni MM sa sarili. " Em, goodnight nga daw diba!" sabi niya ulit sa sarili niya.    " Bakit ganito? Bakit may kuryente kapag niyayakap niya ako? Bakit?" Hindi niya napigilang itanong sa sarili.

Pumasok siya sa kanyang kwarto at nakita ang picture nilang barkada. Magkatabi silang dalawa sa gitna. Kuha ito sa resort. Sa may dalampasigan. Tumalon silang lahat. Ang sumunod na picture ay yung pumunta sila sa Heaven Falls. Nagpapicture sila sa harap ng Veil Falls.

" Bakit ang saya-saya ko kapag kasama siya?" muli niyang tanong sa sarili.

****
" Daniel, I come back. Hindi na ako madaya ah. Hindi na ako aalis." nasabi ni Emily habang nakatingin sa kalangitan. Ang mga bituin ay nagkikislapan.  " Kaya lang hindi ko alam kung saan ka hahanapin..." dagdag niya.

Biglang may dumaang kometa. " Sana makita ko na siya..." hiling niya.

****
In MM's room...

Nakatingin rin siya sa kalangitan at nakita ang kometa. " Mom, Dad, help me. Ano ba itong nararamdaman ko?" sabi niya sarili niya habang nakatingin sa kalangitan.

****

In DD's room...

" Help me, what will I do now that she is back..." bulong nito sa sarili.

****

Starry, starry night...
Stars are shining brightly...
Comets pass
The moon shines great

And you are here by my side
Looking at the starry night...

Narinig ni DD ang boses na nanggagaling malapit sa kanyang kwarto. Pamilyar ang boses dahil parang narinig na niya ang kanta o ang himig nito.

" Tra la la la la... La la la la la la... La la la... La la la la la la....." biglang pumasok sa isip ni DD. " Si MM."  sabi niya sa sarili... Muli niyang narinig na may kumanta...

Starry, starry night...
Stars are shining brightly...
Comets pass
The moon shines great


And you are here by my side
Looking at the starry night...

" This is a starry night all right..." sabi niya sa sarili...

2 comments: