Tuesday, February 8, 2011

Are We Just Friends? ( Chapter 15)

* A NEW ME *

****
" Good morning Ems!" bati nina Fretz at Ann sa kanya. Nag-overnight ang dalawa kina MM.

" Maligo ka na ha. Tapos bumaba ka na rin..." sabi ni Fretz.

" Umalis ba si Dee?" taong ni MM.

" Oo, may dat-" tinakpan ni Ann ang bibig ng Fretz.

" Date? Ah ok..." walang pakialam na sabi ni MM. Naligo ito at sinundan sa baba ang dalawa.

***
" Goodmorning dear!" bati sa kanya ng Tita Marie niya.

" Goodmorning Tita!" ngiting sambit niya.

" What happened to you my dear? Umiyak ka ba kagabi?" worried na tanong nito sa kanya.

" No Tita I'm fine po... Let's eat..."

***
Nang matapos kumain nagyaya ang dalawang kaibigan niya na mag-mall. Ayaw man niya kaso mapilit talaga ang dalawa.

" Parlor!!!" tiling sambit ni Ann. Hinila niya si MM.

" Ayoko!!!" pero huli na, ginugupitan na siya.

May make-up pa...

Before
After




















" MM!!!" tili ni Fretz. " Ang ganda mo!!! This is a new you MM." sabi naman ni Ann.

Ang nag-gupit sa kanya, " Miss, pwede po bang picturan ko kayo. Ipopost ko po sa wall namin. Para makita ng mga tao, para po mas kumita kami. Ang ganda niyo po kasi eh..."

Maski siya hindi makapaniwala sa pagbabago sa kanya. " Sure poh..."

" THIS IS THE NEW ME!" sigaw niya sa isip niya.

****
Next day...

" Ang ganda mo girlfriend!" sabi ni Fretz ng makita siya sa gate. Hindi sumabay si DD sa kanya dahil susunduin daw nito si Emily.

" Ems! Kung kahapon maganda ka, ngayon super bonggang magandang maganda!" sabi ni Ann.

" Ems, have you heard, dito raw sa school gaganapin ang birthday ni DD. Sa Grand Hall." biglang sabi ni Fretz. Siniko siya ni Ann. " Oops!"

" Yeah, I know. Pati rin daw ako sabi ni Tita. " walang pakielam na sabi niya. Binuksan niya ang libro at nagbasa.

Hindi na nagsalita ang dalawa dahil alm nilang wala na sa mood si MM.
****
" Whoah! Sorry miss!" sabi ni Ian ng muntik ng mabunggo ang babaeng nagbabasa ng libro. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nga nakayuko at natatabingan ng buhok nito ang mukha.

" Ian! Good morning!" masayang bati ni Ann.

" Good morning Ian!" bati ni MM ngunit hindi pa ito tumitingala.

" Who is this girl? A new girl?" tanong ni Ian.

PAK!!!

" Ouch! What the-" hindi na nito matuloy ang sasabihin. " Ikaw ba yan Ems?" Di siya makapaniwala sa nakikita.

Natawa lang ang dalawang babae. " Oo nga! Si Ems nga yan!" sabi ni Fretz.

RINGGGG!!!

" Ooops, gotta go to class. Bye guys! See ya later!" pagpapaalam ni Ann.

" Bye!" sabi ng tatlo.

Pumasok na sila sa kanilang room.

"Ahm miss, I think naliligaw kayo." sabi ng teacher kay MM ng makitang papasok ito sa loob ng classroom.

" Mr. Ruiz, I'm Ms. Monteverde." magalang niyang sagot.

" Ms. Monteverde?!" gulat nitong sabi.

" Opo siya nga po." singit ni Fretz.

" P-pasok ka na..." sabi ng teacher.

She giggled. Most of the people don't know her because of her looks.

****
Lunch time

" Well, well, well, another addition to our barkadz eh?" sabi ni  Bret nang makita ang isang babaeng katabi ni Ann. HIndi niya makita ang mukha dahil nakatalikod ito at si Ann ay nakaharap sa kanya.

" Si Bret naman. Wala tayong bagong addition. Ito ako oh? SI MM!" diniin niya pa ang pangalan niya.

" MM!!!" gulat na sabi ni Bret.

Dumating sina DD at emily. Nakapalupot ang kamay ni Emily as usual.

" Hi! Ems kailan ka nga pala nagpagupit?" mataray na tanong nito.

" Kahapon po. Why Ms. Emily?" mataray ring sagot ni Ann.

Napapansin ng lahat na may tension ng namumuo.

"Dee, tulala ka kay MM? Kanina ka pa hindi nagsasalita. Bakit hindi mo ba siya nakita sa bahay kahapon o kanina?" pag divert ng atensyon ni Fretz.

Napangiti si Ann. Nakita niya ang reaksyon ni Emily ng marinig ang sinabi ni Fretz.

Si MM kunwaring walang naririnig.

" I'm looking at the floor Fretz." sagot ni DD.

" Ouch!" sabi ni MM sa isip niya.

" Oh." tanging nasabi niya.

" Let's order babe" pagdivert ni Emily ng topic.

Umalis silang dalawa. Si Bret at Ian, nagpresentang sila na ang magoorder para sa tatlo. Si MM ayaw kumain. Nagbasa lang ng libro.

" Ems, are you okay?" worried na tanong ni Ann.

" Uhm, yes. Of course. Why would I be not okay?" pagkukungwaring sabi ni MM.

" Ems, we know you already. I know that you are hurt." sabi ni Fretz.

" I'm okay really! Because this is the new me." sabi niya.

1 comment:

  1. ukei lng yan devz,.,.,. huwag kang magpapatalo sa emily na iyan

    ReplyDelete